MAC at Treasury Office, Nagrelease ng Burial at Medical Assistance

Ang Mayor’s Action Center (MAC), sa ilalim ng bagong pinuno nito na si Josie Estrada Niverba, ay nagpamahagi ng financial assistance sa 223 residente na nagrequest ng tulong mula sa LGU.

Ang MAC at Treasury Office ay nakapagpamahagi ng kabuuang P241,000.00 na financial assistance mula sa kabuuang budget na P500,000 na nakalaan para sa nasabing layunin. (RSO; JMB)