Mabilis na Aksyon, Hatid ng LGU-Bayambang sa Nasunugan; Pamilya, Nagpapasalamat sa Tulong na Natanggap

Isang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab nitong Miyerkules, Enero 10, 2024, ng madaling araw sa Brgy. Manambong Parte.

Agad namang naapula ang apoy sa agarang pagresponde ng BFP at MDRRMO.

Sinigurado naman ng MSWDO na mahatiran ng tulong ang mga biktima, matapos kanilang maipamahagi ang ayudang 5 kilos ng bigas, grocery pack, hygiene kit, at hot meals.

Sa kabutihang palad ay walang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.