Ang lahat ng departmento ng LGU, CSOs, at KALIPI Bayambang ay nakilahok sa isang clean-up drive sa lumang Bayambang Central School, bilang preparasyon sa gaganaping Congress ukol sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Ang parte ng bakanteng lote ng Central ay pansamantalang patatayuan ng mga booth upang magbenta ng kani-kanilang produkto ang iba’t ibang SLP associations mula sa Rehiyon Uno.