Ang Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng Pantawid Pasada Program 2025 nito, ay nagbigay ng fuel subsidy sa mga tricycle driver ng Bayambang bilang tulong sa mga driver sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Bawat isa ay nakatanggap ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng tig-P1,100.
Sa ikalawang bugso noong Oktubre 27, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, may 974 ang nabigyan ng withdrawal slips na kanilang magagamit sa pagwithdraw ng naturang ayuda.
Ang LTFRB ay tinulungan ng Municipal Administrator’s Office, Municipal Treasury Office, BPSO, Task Force Disiplina sa pangunguna ni TFD Deputy Amory Junio, at Bayambang TODA Federation. (RSO; JMB)









