Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kalidad ng edukasyon sa bayan, namahagi noong December 9, 2025, ang Local School Board (LSB) ng Bayambang, sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ng iba’t ibang kagamitang pang-opisina at ICT equipment sa DepEd Bayambang I at Bayambang II upang mapalakas ang kakayahan ng mga paaralan at tanggapan sa paghahatid ng mas de-kalidad na serbisyo.
Kabilang sa mga ipinagkaloob sa DepEd Bayambang I ang mga office supplies na nagkakahalaga ng P49,948, dalawang laptop at isang printer na may kabuuang halaga na P111,994, gayundin ang karagdagang printer na nagkakahalaga ng P11,998.
Samantala, tumanggap naman ang DepEd Bayambang II ng isang printer na nagkakahalaga ng P10,840.
Bukod dito, natakatanggap din ang Don Teofilo C. Mataban Memorial School ng isang photocopier machine na nagkakahalaga ng P19,996, na inaasahang makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng paaralan.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng mandatong bayan na tiyakin na may sapat na kagamitan ang mga paaralan at tanggapan upang mapabuti ang administratibong gawain at suporta sa mga guro at mag-aaral. (RGDS/RSO; LSB)




