Muling nagpamahagi ng iba’t ibang kagamitang pang-edukasyon ang Local School Board ng Bayambang sa mga benepisyaryong paaralan sa bayan.
Sa ilalim ng direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao at pangangasiwa ni LSB Executive Director Rolando Gloria, ipinamahagi ang mga sumusunod na kagamitan:
– mga laptop na nagkakahalaga ng ₱138,295;
– mga printer na umabot sa ₱684,207.40 (60 printers para sa DepEd Bayambang I and Bayambang II at 5 printers para sa Don Teofilo C. Matabang Memorial School);
– mga coupon bond na nagkakahalaga ng ₱286,826.40; at
– mga television set na may kabuuang halaga na ₱109,175.
Ang mga kagamitang ito ay makatutulong sa magpahusay sa kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral, gayundin sa pagpapagaan ng gawain ng mga guro at kawani ng paaralan.




