Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO), matagumpay na isinagawa ng Staff Search Asia Service Cooperative ang Local Recruitment Activity ngayong araw, Hulyo 21, 2026 sa PESO-Bayambang.
Sa 42 na dumalong aplikante, 12 ang agad natanggap o tinawag na “Hired-on-the-Spot.”
Ang ganitong gawain ay patuloy na naglalapit ng oportunidad sa trabaho sa komunidad, nakakatipid sa oras at gastusin ng mga aplikante, at tinitiyak ang ligtas na proseso. (PESO; PESO)




