Local School Board, Nagpulong para sa 2nd Quarter

Noong May 22, 2024, nagpulong ang Local School Board sa ilalim ni Executive Director Rolando Gloria, kung saan iprinisenta nina PSDS Dr. Longino Ferrer at Dr. Candra Penoliar ang mga latest accomplishment ng DepEd Bayambang I at II.

Kabilang sa naging usapin ang kanilang mga plano para sa mga susunod na quarter ng taong 2024, gaya ng paghahanda para sa gaganapin na graduation sa mga paaralan, pagbubukas ng Brigada Eskwela, distribusyon ng mga school supplies, at iba pang aktibidad.

Ang pulong ay ginanap sa RHU I Conference Room. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)