Nagtagisan ang mga lokal na litratista sa ginanap na Photo Contest kung saan sinuri ng mga hurado ang bawat larawan batay sa komposisyon, pagka-malikhaing konsepto, at kalidad ng kuha. Maingat na pinag-aralan ng mga tagahatol ang bawat obra upang matukoy ang larawang pinakamabisang nakapagpahayag ng tema ng patimpalak. Layunin ng aktibidad na palawakin ang interes ng mga mamamayan sa sining ng potograpiya at kilalanin ang mga lokal na talentong may husay sa pagkuha ng larawan.



