Noong August 29, bumisita ang mga representante ng Department of Health (DOH) at Provincial Health Office (PHO) sa Bayambang para sa Semi-Annual Program Implementation Review (PIR), at ito ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.
Ang PIR ay isang tool upang mamonitor at maevaluate ang implementasyon ng mga national at local health programs gamit ang ilang scorecards.
Naroon sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at ang tatlong duktor ng Bayan na sina Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo; Rural Health Physician, Dr. Adrienne Estrada; at Rural Health Physician, Dr. Roland M. Agbuya.
Nagreport naman ng accomplishments ang mga nurse na sina Grace O. Abiang para sa RHU I, Cris Ever Cloyd de Vera para sa RHU II, at Jennifer Tabuga para sa RHU III, si Venus M. Bueno para sa Nutrition Program, at Dr. Roland Agbuya para sa Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa Bagong Normal 2023 (Year 6).