Local Health Board, Tinututukan ang Sanitasyon at Kalusugan sa Huling Bahagi ng 2025

Nagpulong ngayong Martes ang Local Health Board (LHB) ng Bayambang upang pagtibayin ang mga hakbang para sa mas mahigpit na kalinisan at mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan sa bayan habang papasok ang 2026.

Kabilang sa mga tinutukan ng lupon ang pagpapatuloy ng sanitation inspections, pagpapatibay ng Sanitation Standard Rating Sticker (SSRS) para sa mga negosyo, at paglalabas ng updated advisory hinggil sa mga rekisito bago makakuha ng sanitary permit. Bahagi ito ng kampanya ng LGU para sa mas ligtas na food at non-food establishments sa komunidad.

Inilatag din ng Rural Health Unit ang rundown ng kanilang mga natapos at naka-iskedyul na programa para sa 2025 na nakatuon sa community health services at iba pang proyekto sa kalusugan.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, kasama ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, NGOs, at sanitation team. Layunin ng kanilang pagtitipon na masiguro ang koordinadong aksyon para sa mas malusog at mas ligtas na Bayambang. (RSO; RHU)