Local Health Board, Tinalakay ang Iba’t Ibang Health Programs

Ang Local Health Board ng Bayambang ay nagpulong sa pangunguna ni Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao noong October 22, 2024, sa Mayor’s Conference Room.

Naroon sa pulong sina Municipal Consultant on Health, Dr. Nicolas O. Miguel, Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo ng RHU I at RHU IV, Dr. Adrienne Estrada ng RHU II at RHU V, Dr. Roland Agbuya ng RHU III at RHU VI, at Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno, RND.

Nagpadala rin ng representative ang Department of Health.

Kasama sa dumalo ang 11 na miyembro ng newly oriented nutrition support group (NSG), nag-ulat sa kanilang mga nagawa na simula Oktubre 1.

Kasama rin sa dumalo ang mga Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Worker ng Bayambang.

Kabilang din sa tinalakay ang health program concerns gaya ng HIV at Animal Bite Treament Center issues, hazardous waste temporary holding area, Oral Health Month celebration para sa taong 2025, health budget para sa taong 2025, pondo para sa mga meetings at trainings mula sa National Nutrition Council ng DOH, at ang E-Konsulta at G-Konsulta. (Angela Suyom/RSO; AG)