Ang MAO at mga cooperating farmers mula Bayambang ay lumuwas patungong bayang Manaoag upang umattend sa Provincial Corporate Farming Rice Production Field Day at Presentation of Technology Demonstration Results bilang isang pangwakas na aktibidad sa Corporate Farming Wet Cropping Season CY 2023 ng provincial government.
Ito ay ginanap ngayong araw, ika-25 ng Oktubre sa Brgy. Lelemaan, Manaoag.
Ang programang ito ay suportado ang pang-ekonomiyang agenda ng administrasyon ni Hon. Gov. Ramon V. Guico III upang mapabuti ang kalagayan at kaginhawaan ng sektor ng agrikultura at pangisdaan ng lalawigan, pati na rin ang Masagana Program ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Kasama sa mga aktibidad ang farm field tour, farm mechanization techno-demo gamit ang combine harvester thresher, at presentasyon ng mga resulta ng demo ukol sa teknolohiya mula sa mga katuwang sa programa.
Ang mga participants ay kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng farmer cooperative and association (FCA), program partners, private companies, lending institutions, irrigators association (IA), municipal at city agriculturist, agricultural technicians at mga barangay council.