Little Mr. & Ms. Bayambang 2026 Contenders, Nagtagisan sa Talent Competition!

Ang mga kandidato para sa Little Mr. and Ms. Balon Bayambang 2026 ay nagtagisan sa Talent Competition ngayong araw, Marso 13, 2026. Pinabilib ng mga kalahok ang mga hurado at manonood sa isang pagtatanghal na puno ng sigla at saya.

Isa-isang ipinamalas ng mga tsikiting ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang larangan, mula sa pag-awit, pagsayaw, hanggang sa madamdaming pagbigkas ng tula, at iba pang malikhaing pagtatanghal.

Kabilang sa mga naging hurado sina SK Federation President John Roy Jalac, Bb. Bayambang at Limgas ng Pangasinan at Pangasinan Grand winner Jenesse Viktoria P. Mejia, at Municipal Dentist, Dr. Dave Francis D. Junio.

Ang Talent Competition ay isa sa mahahalagang bahagi ng kompetisyon upang ipakita hindi lamang ang ganda at tindig ng mga kalahok, kundi pati na rin ang kanilang angking talento at kumpiyansa.

Abangan ang grand finals sa darating na March 30 mula 3:00 PM sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; first two photos: RobC, others: AG)