Linggo ng Kabataan 2025, Nagtapos sa Fellowship Night at Awarding Ceremony

Ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 ay nagtapos sa isang fellowship night at awarding ceremony noong gabi ng Agosto 22 sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang programang ito ay pinangunahan nina SK Federation President John Roy S. Jalac at Local Youth Development Officer Ray Hope Bancolita na siyang mga may inisyatibo upang hikayatin ang kabataan na maging aktibo sa pagbuo ng positibong pagbabago.

Naging panauhing pandangal sina Councilor Zerex T. Terrado at Councilor Rhyan de Vera, at nagsilbing chairman ng board of judges ang pianist ng sikat na bandang Nobita na si Richmond Bancolita na tubong Bayambang kasama ang mga lokal na mangangantang sina Prof. Melanie R. Junio at Jon Papio.

Kinilala naman at ginawaran ng papremyo ang lahat ng nagwagi sa lahat ng patimpalak na isinagawa ng buong linggo. Sa essay writing competition, itinanghal si Mark Anthony Marcos na kampeon, Donavil Palaming 1st runner-up, at Limuel Seguin 2nd runner-up, at nakatanggap naman ng consolation prize sina Ma. Antonette Ora, Cyrielle Mae Almanzor, Rocky Martinez, at Angela Custodio.

Sa poster-making contest, kampeon si Cholo Solis, 1st runner-up si Asterio Ora, at 2nd runner-up si Justine Saplan, at nakatanggap ng consolation prize si Piolo Menor.

Nagbigay naman ng special performance sa poetry slam sina Chelsea Alcantara at Jielver Cariaga.

Matapos ang awarding at performance, masayang nag-bonding magdamag ang lahat ng mga youth leader ng Bayambang sa isang sayawan at tugtugan.

Naging special guest ang DJ na si Drey Cua na nagpasiklab sa venue na biglaang naging dance floor.  (Mark Andrei De Luna, VMF/RSO; AG)