Limang CDWs ng Bayambang, Pinarangalan sa 13th Regional Convention sa Baguio

Pinarangalan ang limang masisipag at dedikadong Child Development Workers/Teachers ng Bayan ng Bayambang sa ginanap na 13th Regional Convention: Gabi ng Parangal noong Pebrero 27, 2026 sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City.

Tinanggap ng mga guro ang kani-kanilang Plaque of Recognition bilang pagkilala sa kanilang matagal at tapat na paglilingkod sa larangan ng maagang edukasyon at pangangalaga sa mga batang mag-aaral sa komunidad.

Kabilang sa mga Service Awardees ang mga sumusunod:

20 Taon ng Serbisyo – Nenita T. Muena (Manambong Norte)

25 Taon ng Serbisyo – Estherly N. Friaz (Zone V)

25 Taon ng Serbisyo – Ma. Corazon T. Frias (Tambac)

35 Taon ng Serbisyo – Rita G. Lavarias (Balaybuaya)

35 Taon ng Serbisyo – Precy M. Bautista (Bongato East)

Kinilala ang kanilang walang sawang dedikasyon, malasakit, at pagmamahal sa paghubog ng murang isipan ng mga Child Development Learners sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Ayon sa pamahalaang bayan, ang kanilang mahabang taon ng paglilingkod ay patunay ng matibay na paninindigan sa pagtataguyod ng dekalidad na early childhood education at sa patuloy na pagpapalakas ng pundasyon ng kabataan sa Bayambang.

Ang naturang parangal ay itinuturing na inspirasyon hindi lamang sa kapwa guro kundi sa buong komunidad, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga Child Development Workers sa paghubog ng kinabukasan ng susunod na henerasyon. (RSO; ECCD)