Ligtas at Mapayapang Pamumuhay para sa mga Bayambangueño, Tiniyak sa Isinagawang PDEA On-Site Validation ng mga Barangay

Upang masiguro ang kaligtasan at kapanatagan ng loob ng bawat pamilya, matagumpay na isinagawa ng LGU katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang On-Site Validation para sa lahat ng mga barangay ng Bayambang sa Balon Bayambang Event Center ngayong araw, ika-1 ng Hulyo.

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, katuwang sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, MLGOO Arianne B. Peralta, at mga opisyal ng PDEA na sina Provincial Director/Intelligence Agent V Dexter B. Asayco, at Assistant Provincial Director IA III Darnel L. Bacate ang gawaing ito upang patunayan sa mga mamamayan na ang kanilang kapakanan at seguridad ang pangunahing prayoridad ng administrasyon.

Isinagawa ang masusing pagsusuri sa mga programa at dokumento ng bawat sumalang na barangay sa pamamagitan ng mga PDEA Validation Officers na sina Intelligence Officer II Ledjela M. Badilla, IO II Glaiza Rose Abalos-Jumawan, IO I Donila Pongkiyes, at IO I Jerry Na-oy. Layunin nitong patunayan ang patuloy na pagiging epektibo ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kani-kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng munisipyo at ng mga barangay upang maprotektahan ang mga nasimulang hakbang at mapanatili ang Bayambang bilang isang mas ligtas, at ganap na Drug-Free Municipality.

Ligtas at Mapayapang Pamumuhay para sa mga Bayambangueño, Tiniyak sa Isinagawang PDEA On-Site Validation ng mga Barangay

Upang masiguro ang kaligtasan at kapanatagan ng loob ng bawat pamilya, matagumpay na isinagawa ng LGU katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang On-Site Validation para sa lahat ng mga barangay ng Bayambang sa Balon Bayambang Event Center ngayong araw, ika-1 ng Hulyo.

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, katuwang sina Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, MLGOO Arianne B. Peralta, at mga opisyal ng PDEA na sina Provincial Director/Intelligence Agent V Dexter B. Asayco, at Assistant Provincial Director IA III Darnel L. Bacate ang gawaing ito upang patunayan sa mga mamamayan na ang kanilang kapakanan at seguridad ang pangunahing prayoridad ng administrasyon.

Isinagawa ang masusing pagsusuri sa mga programa at dokumento ng bawat sumalang na barangay sa pamamagitan ng mga PDEA Validation Officers na sina Intelligence Officer II Ledjela M. Badilla, IO II Glaiza Rose Abalos-Jumawan, IO I Donila Pongkiyes, at IO I Jerry Na-oy. Layunin nitong patunayan ang patuloy na pagiging epektibo ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kani-kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng munisipyo at ng mga barangay upang maprotektahan ang mga nasimulang hakbang at mapanatili ang Bayambang bilang isang mas ligtas, at ganap na Drug-Free Municipality. (KBP; JMB)