Ligtas at maayos na Summer Vacation 2026

Mula noong Abril 1 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasagawa ng roving at monitoring sa 5 resorts at 36 barangays na dinadaanan ng Agno River sa Bayan ng Bayambang bilang bahagi ng aktibidad para sa Ligtas na Summer Vacation 2026.

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Chairperson ng MDRRMC, katuwang si Gng. Genevieve N. Uy, Head ng MDRRMO, kasama ang mga buong Barangay DRRMC frontliners, nagsasagawa ng dalawang beses na roving at monitoring sa ating kailugan, kalsada at kapaligiran araw-araw upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa mga lugar na dinarayo ngayong tag-init.

Ikinagagalak naming ibalita na ang lahat ay ligtas na namamasyal sa ating bayan. Ito ay bunga ng masigasig na pagmomonitor online at pag-iikot ng MDRRM Responders group sa mga nasabing lugar.

Ang mahigpit na kooperasyon sa pagitan ng mga kinauukulan sa mga barangay at ang magalang na pagsunod ng mamamayan sa mga ipinatutupad na mga batas pangkaligtasan ay may malaking ambag sa ZERO CASUALTY status sa loob ng 50 days ng operasyon. Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga Barangay Officials, Parks and Resort Operators at Bayambangueños para sa isang ligtas at maayos na Summer Vacation 2026