Lumahok sa isang summit ang ilang miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang ngayong araw, Enero 30, 2024, sa Balon Bayambang Events Center upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na serbisyo.
Nagbigay ng kanyang mensahe si Vice Mayor IC Sabangan, at ang TODA ay winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Kabilang sa mga naatasang maging resource speakers sina OIC-MPDC Ma-Lene Torio, BPSO Chief, Col. Leonard F. Solomon, LTO-Bayambang Chief Ira G. Sarillan, at Mr. Niño Meneses ng Cibeles Insurance Corp.
Tinalakay sa seminar ang mga sumusunod na paksa:
– Tricycle Franchising
– Possible Violations, Rerouting, and Reminders for Unpainted Tricycles
– Introduction to RA 4136
– Tricycle Insurance as Requirement for MTOP
Nagkaroon ng open forum kung saan masinsinang tinalakay ang mga pangangailangan at saloobin (issues and concerns) ng TODA.
Sa aktibidad na ito, inaasahang mas lalong mapalawig ang koordinasyon at law enforcement upang masiguro ang maayos na sistema ng tricycle regulation sa bayan ng Bayambang.
(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)