Ang buwanang pulong ng mga Punong Barangay at Barangay Kagawad ay isinagawa ngayong araw, Abril 15, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pinangunahan ang pulong ni Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, kung saan inimbitahang magsalita ang bagong COMELEC Officer na si Reina Corazon Ferrer at si Municipal Local Government Operations Officer Editha Soriano.
Tinalakay ni Ferrer ang papel ng mga PB sa eleksyon.
Kanya ring hiningi ang kanilang tulong sa diseminasyon at distribusyon ng Voter’s Information Sheet.
Kanya ring ipinaalaala na ang paggamit ng mga Barangay Hall at Barangay Covered Court sa eleksyon para sa kampanya ay dapat bukas sa lahat ng partido.
Maaari rin aniyang mangampanya ang sinuman basta’t sila ay elective official.
Nagpaalala naman si MLGOO Soriano ukol sa quarterly validation and assessment para sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program ng pangulo, ang mga ARTA regulation, Citizen’s Charter requirements, update ng listahan ng mga Officers-in-Charge, at ang Tax Ordinance na isang requirement para sa lahat ng barangay. (RSO; JMB)