Libreng Pap Smear at Implant Insertion, Tampok sa Women’s Month Celebration 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month 2026 at upang mapalakas ang kamalayan ng kababaihan ukol sa kahalagahan ng reproductive health, partikular sa maagang pagtuklas ng cervical cancer at sa ligtas at epektibong family planning methods, nagkaroon ng libreng Pap smear at implant insertion ngayong araw, Marso 25, 2026, sa St. Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion I.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Healthy Women, Healthy Future: Rights and Justice in Women’s Health,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng sapat na akses sa serbisyong pangkalusugan at pagsusulong ng karapatan ng bawat kababaihan.

Dumating ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay upang makapag-avail ng nasabing serbisyong pangkalusugan, na pinangunahan ng mga Rural Health Unit ng pamahalaang bayan, kung saan 26 sa mga ito ang nagpa-Pap smear, 15 ang nag-avail ng implant insertion, 13 implant removal, at 18 implant reinsertion.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng LGU Bayambang na itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan, kasabay ng pagsusulong ng kanilang mga karapatan at akses sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan. (RGDS/RSO; JMB)