Libreng Medical Mission, Handog para sa Mas Malusog na Bayambangueño; 1,247 na Pasyente, Nakatipid ng P1,018,840

Isang medical mission ang muli na namang naghandog ng mga libreng serbisyo, bilang tugon sa layunin ni Mayor Niña Jose-Quiambao na mapalawak ang serbisyong pangkalusugan at mas mapalapit pa ito sa mga nangangailangan.

Ginanap ang medical mission noong June 21, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa inisyatibo ni Mayor Nina katuwang ang Rural Health Unit, kasama ang Bankers’ Association of the Philippines (BAIPHIL) at SM Foundation.

Kabilang sa mga serbisyong libreng inalok sa nasabing medical mission ang libreng medical consultation, chest X-ray, ECG, RBS, at circumcision, eye check-up, ultrasound, dental services, at mga laboratory tests para sa cholesterol at uric acid, at saka urinalysis.

Narito ang bilang ng mga naging benepisyaryo sa bawat serbisyo ayon sa ulat ni Municipal Health Officer, Dr. Paz. F. Vallo:

Total Clients Served: 1,247

Consultation: 1023

Dental Cleaning: 71

Dental Extraction: 128

Laboratory: 197

Circumcision: 25

Chest X-ray: 72

Ultrasound: 32

ECG: 46

Reading Glasses: 267

Ang mga benepisyaryo ay tinatayang nakatipid ng halagang P1,018,840.

Medical Consultation: P511,500

Chest X-Ray: P43,200

ECG: P23,000

Circumcision: P37,500

Eye Check-up: P80,100

Ultrasound: P32,000

Dental Services: P224,600

Laboratory Tests (Cholesterol, Uric Acid, Urinalysis, RBS): P66,940

(RGDS/RSO; AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka