Libreng Lunch sa TODA at Vendors, Handog ni Mayor Niña sa Kanyang Kaarawan!

Ipinagdiwang ni Mayor Niña ang kanyang kaarawan ngayong raw, Agosto 26, 2025, sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng lunch para sa mga miyembro ng TODA at mga kasamahang tindera sa public market.

‎Ang simpleng handog na ito ay isang paraan upang maipadama ang pasasalamat at malasakit ng butihing alkalde sa mga sektor na patuloy na nagsusumikap at nag-aambag sa pag-unlad ng bayan.

‎Muli, isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Mayor Niña Jose-Quiambao! (RGDS/RSO; MTICAO)