Libreng Lomi, Hatid ng ‘Guico-sina’ sa nga Dumadalaw sa Sementeryo

Sa patuloy na pagdating ng mga tao sa pampublikong sementeryo sa bayan ng Bayambang upang gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, naghandog ng libreng lomi ang pamahalaang probinsya ng Pangasinan sa pamamagitan ng ‘Guico-sina,’ sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon ‘Mon-Mon’ Guico III.

Bukod sa masarap na lomi, nag-alok din ang Bayambang District Hospital ng libreng profiling at rehistrasyon para sa PhilHealth Konsulta. (Khim Ambrie L. Ballesteros; JMB)