Nagpamahagi ng libreng gulay ang Gabs Pharmacy & Coop-venience Store at Gabriel Medical Clinic, katuwang ng Municipal Nutrition Action Office, sa Bayambang District Hospital (BDH) bilang bahagi ng adbokasiya para sa malusog na pamumuhay at sapat na nutrisyon ng komunidad.
Kabilang sa mga nabiyayaan ang mga pasyente, bantay, at kawani ng ospital.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng LGU at BDH sa kabutihang loob ng mga regular sponsor ng nasabing aktibidad. (RSO; MNAO)





