Libreng Gamit Pang-eskwela, Ipinamigay ni Mayor Niña!

Sinimulan ngayong araw, Hunyo 10, 2025, ang pamamahagi ni Mayor Niña Jose-Quimbao ng 17,429 packs ng libreng gamit pang-eskwela sa lahat ng 53 pampublikong paaralang elementarya sa bayan.

Isa itong malaking kaginhawahan para sa mga magulang sa Bayambang sapagkat ang bawat pack ay naglalaman ng pad paper para sa mga Grade 1 hanggang Grade 6, crayons, ballpen, lapis, at notebook.

Hindi na kailangang mag-alala pa ang mga magulang sa pagbili ng mga ito, na tiyak na isang malaking katipiran sa kanilang budget.

Sinimulan ang proyektong ito noong 2016 ni dating Mayor Cezar T. Quiambao at at ipinagpatuloy ng kasalukuyang Mayor Niña Jose-Quiambao gamit ang halagang P2M mula sa Children’s Welfare Fund ng LGU. (VMF/RSO; AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka