Isang malaking oportunidad ang nagbukas para sa 150 na kwalipikadong Bayambangueño sa ilalim ng scholarship program ng Gintong Aral Skills Development Academy katuwang ang HERO Group.
Libre at TESDA-accredited ang handog nilang kursong Events Management Services NC III, isang training course na magbibigay ng kaalaman sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga event sa iba’t ibang venues tulad ng conference centers, hotels, restaurants, resorts, at luxury liners.
Karaniwan itong may halaga na P14,800, ngunit ito ay walang bayad para sa mga iskolar. Bukod dito, makatatanggap din sila ng P160/day allowance.
Noong ika-7 ng Marso, idinaos ang orientation para sa mga aplikante upang ipaliwanag ang proseso ng pagsasanay at ang mga benepisyong matatanggap nila.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang kakayahan ng mga Bayambangueño sa larangan ng event management at mabigyan sila ng mas magandang oportunidad. (KB/RSO; Andrew Casipit/Sheina Gravidez)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka