Ang RHU II at RHU III ay naghandog ng libreng chest X-ray para sa ilang kliyente na nakitaan ng sintomas, close contact ng mga nakitaan ng sintomas, at mga gusto lamang magpa-check.
Ang aktibidad ay inisponsor ng Philippine Business for Social Progress ngayong araw, Agosto 28, 2025 sa Brgy. Telbang Covered Court.
Mayroong 102 na naging kliyente ang aktibidad.
Ang chest X-ray sa labas ay karaniwang nagkakahalaga ng P400. (Angel Fabia-Beralde/RSO; AFB)




