Libreng Charging Stations, Inisyatibo ni Mayor Niña Matapos ang Pagtama ng Bagyong ‘Uwan’

Matapos ang malawakang power outage sa Bayambang dulot ng hagupit ng bagyong ‘Uwan,’ naglatag agad ng mga libreng charging station si Mayor Niña Jose Quiambao sa munisipyo partikular na sa Balon Bayambang Events Center at sa lahat ng 77 barangay ng bayan.

Ginawa ito sa tulong ng mga generator set na naipamahagi sa bawat barangay bilang bahagi ng disaster preparedness program ng lokal na pamahalaan. Ito ay agarang ginamit upang magbigay ng kuryente sa mga strategic charging stations. Dito nakapag-charge ang mga residente ng kanilang mga cell phone, flashlight, radyo, at medical device.

Habang patuloy na inaayos ang mga nasirang linya ng kuryente, mananatiling bukas ang mga libreng charging stations hanggang sa tuluyang makarekober ang buong bayan. (VMF/KB; MDRRMO)