Ang MDRRMO, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I, ay nag-organisa ng limang araw na training na “All Hazards Incident Management Team” o mas kilala bilang “Incident Command System IV” sa Lenox Hotel, Dagupan City.
Ang mga trainee ay matagumpay na nagsipagtapos out of 32 candidates na umattend sa ladderized training courses.
Ayon kay Bayambang LDRRMO Genevieve U. Benebe, sa All-Hazards Incident Management Team, lahat na ng posibleng hazards ay sabay-sabay na masusing tinalakay.
Sa unang araw ay nirepaso ang iba’t ibang module ng kursong ICS, at ito ay sinundan ng course evaluation.
Ang mga sumunod na araw ay inilaan sa incident assessment, activation ng ICS, tactical meeting, planning meeting, paggawa ng Incident Action Plan (IAP), Operation Briefing, at ang buong Planning Cycle.
Pagkatapos nito ay nagkaroon ng mga practicum o simulation exercises sa Bonuan beach bilang ground zero, sa tulong ng mga Dagupan City DRRM responder sa ilalim ni G. Ronald de Guzman. Dito ay nagsagawa ng isang On-site Rapid Damage and Needs Assessment (RDANA) kasabay ng pagbuo ng Objectives for the Operation Period at Incident Action Plan (IAP) at pag-implementa ng mga ito sa superbisyon ng naatasang Incident Commander (IC). (by RSO/Photos: MDRRMO)