Nakilahok ang LGU-Bayambang, pati na ang Rotary Club of Bayambang at mga TODA members na naging DOLE-TUPAD beneficiaries, sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bayan.
Naging abala ang MDRRMO sa pruning and trimming operation sa Inirangan-Reynado Elementary School noong June 6, 2026 at nagpamahagi ng isang kahon ng bleach (1,000 ml) at 20 piraso ng body soap.
Nagsagawa rin sila ng isa pang pruning and trimming operation sa Wawa Elementary School noong June 4, 2026.
Sila ay nakatakdang magtungo rin sa Tampog Elementary School at Tococ Elementary School, at mamigay rin ng tig-isang kahon ng 1,000 ml gallon ng bleach and tig-20 piraso ng body soap sa Darawey ES, San Vicente ES, Idong-Inanlorenza ES, Caturay ES, Pangdel ES, at Bani ES.
Pinili naman ng Rotary Club of Bayambang, sa ilalim ni incoming President Zebeedee de Leon ang Sapang Elementary School para sumama sa clean-up operation doon.
Ang mga TODA members na naging TUPAD beneficiaries kamakailan ay nakiisa rin sa Brigada Eskwela. (RSO; MDRRMO, Rotary)







