Noong December 5, ang LGU ay nakipagdayalogo sa pinakamataas na opisyales ng Pangasinan State University (PSU) ukol sa Bayambang Central Terminal agreement upang maging mas maganda at mas pinatibay ang maging kasunduan patungkol sa naturang proyekto.
Naroon sa Mayor’s Conference Room sina PSU University President, Dr. Elbert M. Galas, kasalukuyang Campus Executive Director Dr. Gudelia M. Samson, dating CED at kasalukuyang Chief Administrative Officer, Dr. Ian D. Evangelista, PSU Legal Services Officer Atty. Darius B. de Guzman, at ibang opisyal.
Nirepresenta naman ang LGU nina dating Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, na nagpasimula ng nasabing proyekto sa kanyang termino at kumatawan kay Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, at iba pang opisyales.
Kasunod ng isang paunang pagpupulong noong Nobyembre 15, ang kamakailang pagpupulong ay gumanap ng isang mahalagang papel bilang forum para sa pagtugon sa iba’t ibang mga alalahanin at pagtatakda ng mga proactive na plano para sa patuloy na pagsulong ng magkasanib na proyekto sa pagitan ng dalawang partido.
Matatandaang noong 2021, ang parehong partido ay pormal ng nagkasundo upang gamitin ang 8,000.00 sqm na espasyo sa PSU Bayambang upang magtayo ng isang modernong Central Terminal para sa mga commuter sa Bayambang.