LGU, Nakipagdayalogo sa mga May-ari ng Ipinasarang Poultry Farm

Nagsagawa ng isang consultation dialogue ang LGU sa pangunguna ng Municipal Administrator’s Office para sa mga may-ari ng ipinasarang poultry farm sa may dike area ng Brgy. Bacnono. Dito ay dininig ang hinaing ng mga owner/operator ng mga naipasarang pasilidad ukol sa mga isyu na kanilang kinakaharap kaugnay ng kanilang chicken dressing activities.

Ang dayalogo ay isinagawa ngayong araw, Mayo 9, 2024 sa Brgy. Bacnono Covered Court.

Matapos ang usapin, inaasahang mahanapan ng solusyon ang kanilang mga concern sa darating na panahon. (RSO; larawan: JP Domingo/BPRAT)