LGU, Nakatakdang Makipag-MOU ukol sa Handog na Extension Services ng PSU

Ang ilang opisyal at propesor ng Pangasinan State University – Bayambang Campus ay nakipagpulong kay Mayor Niña sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang talakayin ang planong Memorandum of Understanding sa pagitan ng PSU at ng LGU, partikular na ang BRPAT, ukol sa paghatid ng iba’t ibang extension services ng PSU sa pamayanan.

Kabilang sa mga extension at outreach initiatives na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga lokal na komunidad ang mga programa at serbisyo sa mga larangan ng gender and development (GAD), kalikasang pangkapaligiran, pagsisimula ng mga negosyo at iba pang mga programang pangkomunidad upang labanan ang kahirapan, kalusugan at nutrisyon, at habambuhay na pagkatuto (lifelong learning).

Nirepresenta ang PSU nina Laboratory High School Chairperson, Dr. Marjorie Lacap, at Social Studies Professor Rosabella A. Mendez.

Nakatakdang makipagpulong muli ang grupo upang plantsahin ang detalye ng kooperasyon. (RSO; JMB)