May kabuuang ₱5 milyon ang inilaan ng LGU-Bayambang bilang financial aid para sa magsasakang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.
Sa naturang halaga, ₱4 milyon ay nagmula sa Calamity Fund, habang ₱1 milyon naman ang personal na donasyon ng pamilya Quiambao-Jose, bilang tugon sa agarang pangangailangan ng mga magsasaka sa gitna ng pinsala sa agrikultura.
Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO), dumaan sa maingat na assessment at verification process ang 2,500 kwalipikadong magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang tumanggap ng tig-₱2,000 bilang financial aid. Kada magsasaka ay nag-uwi ng P1,000 mula sa calamity fund ng LGU at P500 mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao.
Kasama sa mga nakalistang benepisyaryo ang mga magsasakang may maliliit na taniman at maging ang mga livestock farmers na nawalan ng kabuhayan dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim at pagkamatay ng mga alagang hayop.
Ang ayudang ito ay hakbang ng lokal na pamahalaan upang agad na matulungan ang mga magsasakang makabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad. (KB/RSO; JMB)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka













