Sa huling pagkakataon, muling inaanyayahan ang mga apektadong residente ng Brgy. Magsaysay nina Mayor Niña Jose-Quiambao at dating Mayor Cezar Quiambao, sa isa na namang dayalogo upang linawin ang mga isyu hinggil sa pag-aari, possession, patuloy na pag-aalok na ibenta, at iba pang mga katanungan sa mga lote sa Brgy. Magsaysay na nakarehistro o titulado sa pangalan ng pamahalaang bayan ng Bayambang.
Naroon din sa pulong sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr., Municipal Assessor Annie de Leon, at Municipal Treasurer Luisita Danan.
Binigyang pagkakataon din ang mga residente na mapakinggan ang kanilang mga hinaing.
Ang dayalogo ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, ika-14 ng Disyembre.