Binasbasan ngayong araw, Hulyo 9, 2026, ang bagong rescue boat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayambang bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bayan sa pagtugon sa mga kalamidad at iba pang emergency.
Pinangunahan ni Fr. Reydentor Mejia ang seremonya ng pagbabasbas bilang panalangin para sa ligtas at matagumpay na paggamit ng rescue boat sa paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa panahon ng pagbaha, bagyo, at iba pang sakuna.
Ang bagong kagamitan ay inaasahang higit pang magpapabilis at magpapahusay sa rescue at response operations ng MDRRMO sa buong Bayambang. (RSO; MDRRMO)




