LGU, ESWMO, Kinilala ng GSO Lingayen sa Solid Waste Management

Sa 1st Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board na dinaluhan ni MENRO Joseph Anthony Quinto bilang Resource Speaker, binigyang pagkilala ng General Services Office (GSO) ng Lingayen ang LGU-Bayambang partikular na ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) dahil sa mabisang implementasyon nito ng iba’t ibang programa at estratehiya pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan sa bayan. Ito ay ginanap noong March 11 sa Pangasinan Training and Development Center I, Lingayen, Pangasinan.

Kasabay din nito ang oath-taking ceremony kung saan pormal na nanumpa ang mga bagong talagang Pangasinan Environment and Natural Resources Officers (PAENRO) Association na pamumunuan ni G. Quinto bilang presidente. (ni Sheina Mae Gravidez; larawan: ESWMO)