LGU Employees, Umindak sa ‘Hataw ZumbaYambang’

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Civil Service, pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ng Bayambang ang masiglang “Hataw ZumbaYambang” nitong hapon ng Setyembre 15, 2025 sa Balon Bayambang Events Center.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga kawani ng pamahalaan na pangalagaan ang kanilang kalusugan at magkaroon ng kasiglahan sa pamamagitan ng masayang Zumba session.

Sa temang “Move. Sweat. Smile,” nagbigay ito ng pagkakataon sa mga empleyado na magsaya, mag-ehersisyo, at makapag-bonding bilang isang komunidad.

Itinampok ng aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at positibong pananaw bilang mahalagang susi sa mas epektibong paglilingkod sa publiko. (Charlaine T. Melendez/WMC; JMB)