Naglipana na ang iba’t-ibang uri ng cybersecurity attacks. Isa ito sa mabigat na kinahaharap ng ilang organisasyon sa Pilipinas gaya ng PhilHealth, Division of Labor Standards Enforcement (DLSE), at Philippine Statistics Authority (PSA).
Nagiging sagabal din ito sa operasyon ng ilang mga negosyo. Nauuso rin ang paggamit ng ilan sa ransomware at identity theft na maaaring makapanglinlang o makapanloko ng ibang tao.
Dahil dito, nagpa-seminar ang Information and Communications Technology Office (ICTO), sa pangunguna ni ICT Officer Ricky Bulalakaw, ukol sa Cybersecurity Awareness noong Oktubre 25, 2023 sa Balon Bayambang Events Center para sa lahat ng kawani ng
LGU. Ang mga iba na di makadalo face-to-face ay nanood online.
Ang mga bagong kaalamang natutunan ay malaking tulong upang makaiwas ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa anumang uri ng cybersecurity attacks at maging maingat ang lahat sa pag-upload ng mga datos online, personal man o official information, na siyang maaaring magamit ng mga hackers para sa masamang hangarin.