Isang seminar patungkol sa Road Safety and Safe Spaces Act ang dinaluhan ng humigit-kumulang na 120 LGU drivers at mga miyembro ng TODA, upang paigtingin ang kanilang kaalamanhinggil sa tamang pag-uugali sa kalsada, pagsunod sa batas-trapiko, at pagrespeto sa karapatan ng bawat indibiduwal bilang bahagi ng pagpapatupad ng nasabing batas.
Ang seminar ay ginanap nitong November 18 sa Pinoy Workers Partylist Center sa Brgy. Zone VI.
Pinangunahan ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa ilalim ni Ret. Col. Leonardo F. Solomon, hepe ng BPSO, ang naturang programa.
Tinalakay rin ang mga pangunahing sanhi ng aksidente sa lansangan at kung paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng maingat na pagmamaneho at wastong pakikipag-ugnayan sa mga kapwa motorista at pedestrian.
Sa ngalan ni Mayor Nina Jose-Quimbao ay nagbigay ng inspirasyunal na mensahe si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
Nagbigay rin ng paunang ideya patungkol sa mga paksang tatalakayin si PCPT. Michael G. Maraggun, HPG Pangasinan Team Leader.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Councilor Zerex Terrado, SB Committee Chair ng Transportation and Public Service, bilang guest speaker.
Kabilang sa mga naging mga resource person sa seminar ay sina PLT Eduardo Mabutas Jr., HPG; PSSG Wilfredo Fonbuena, HPG; PCPL Joel Calisin, HPG; PCMS Zebedee De Leon, PNP Bayambang; Ms. Maria Dolores Soliven, OIC, LTO Bayambang; Mr. Benson Resuello, LTO; at Mr. Edmon Favila, Traffic Management Specialist.
Sa kabuuan, ang naturang programa ay isa lamang sa mabuting inisyatiba ng lokal na pamahalaan na naglalatag nang matibay na pundasyon para sa mas ligtas at maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Bayambang. (JLT/RSO; JMB)






