LGU-Diffun, Quirino, Nag-Benchmarking sa Bayambang

Ang pamahalaang lokal ng Diffun, Quirino ay nag-benchmarking activity sa bayan ng Bayambang noong Disyembre 17, 2024.

Ang mga bisita ay pinangunahan ni Municipal Administrator at MPDO Charito Yangat, Municipal Budget Officer Mylene M. Acosta, Information Systems Analyst I Emeljohn T. Acierto, AO I Faith Marianne J. Batangan, at Administrative Aide II Franson Castro Jr.

Sila ay malugod na tinanggap ng opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at ipinasyal sa ICT Office, Budget Office, at MPDO.

Sila ay natuto sa mga best practices ng mga naturang departamento, sa gabay nina Deputy ICT Officer Jezreel John Junio, OIC Budget Officer Christine Bautista, at MPD Officer Ma-lene Torio.

Kasama rin sa kanilang binisita ang Paskuhan sa Bayambang at Saint Vincent Ferrer Prayer Park. (Angela Suyom/RSO; JMB, AG)