Sumailalim sa isang orientation ang mga department at unit heads ng LGU-Bayambang tungkol sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management o PRIME-HRM noong ika-15 ng Agosto 2024 sa Mayor’s Conference Room.
Sa pangunguna ng Mayor’s Office at pagtutulungan ng Human Resource Management Office at Information and Communications Technology Office kasama ang NEO Amca Consulting, pinag-usapan ang kahalagahan ng programang PRIME-HRM na pinapamahalaan ng Civil Service Commission.
Ang pagpapa-accredit ng LGU sa PRIME-HRM Level 2 ay isa sa mga plano ng lokal na pamahalaan ng Bayambang na nakasama sa Institutional Development sector ng Executive and Legislative Agenda na naglalayong gawing professional at maayos ang sistema ng pag-aalaga ng mga tauhan ng LGU na tinuturing nito bilang pinakamahalagang asset sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Inaasahan sa programang ito na mapapanatili ang PRIME-HRM Level 2 accreditation ng LGU at lalo pang aayusin ang mga proseso na tungkol sa human resource management upang sila ay maging mas produktibo at mapalakas ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga trabaho.
Pagkatapos ng orientation ay nagkaroon ng breakout ang mga HRMO personnel upang tingnan ang estado o mag-Gap analysis sa apat na pillars ng PRIME-HRM sa LGU, kasama ang Recruitment, Selection, and Placement; Performance Management; Learning and Development; at Rewards and Recognition. (VMF/RSO/RVB; JMB)