Sa pagsulong ng iba’t ibang aktibidad, programa, at proyekto na tutugon sa mga isyu ng gender equality sa bayan, lumahok sa tatlong araw na workshop sa pagbuo ng Gender and Development Plan and Budget o GPB 2025 ang mga piling kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang. Ito ay ginanap sa Taboc, San Juan, La Union noong March 13-15 sa pag-oorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office sa ilalim ni MSWD Officer Kimberly Basco.
Sinigurado ng resource person na si Vichel Juguilon-Pangan, Gender and Development Specialist at Certified Member ng Philippine Commission on Women National GAD Resource Pool (PCW-NGRP), na maunawaan ng bawat partisipante ang paggamit ng gender analysis tools na makatutulong sa pag-check o pag-critique kung ang mga proposed programs, activities and projects (PAPs) na bitbit ng mga kawani na kanilang nauna nang nabuo noong GAD pre-planning activity ay pasok sa pagiging gender-sensitive o gender-responsive.
Ilang mahahalagang paalala rin ang ibinahagi ng isa pang resource person mula sa DILG na si Rhealiza A. delos Santos kasama si Bayambang MLGOO Johanna Montoya.
Ang aktibong partisipasyon ng mga kawani ng LGU Bayambang ang naging daan sa matagumpay na workshop na ito, na siya ring inaasahan upang maabot ang pangarap ng karamihan na pagkakapantay-pantay, anumang uri ng kasarian sila nabibilang — o ang tinatawag na gender equality. (ni Sheina Mae U. Gravidez/RSO | larawan: MSWDO)