Muling nasungkit ng LGU-Bayambang ang titulong Model LGU Implementing 4Ps sa buong probinsiya ng Pangasinan!
Ito ay isang pagkilala sa ipinakitang pagpupursige ng LGU-Bayambang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga benepisyaryo ng programang 4Ps ng DSWD sa bayan ng Bayambang.
Dahil sa personal na pagtutok ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa lahat ng usapang 4Ps at sa mga naisip at naisagawang inobasyon upang mas paigtingin pa ang tagumpay ng programa.
Salamat din sa pakikiisa ng lahat ng departamento, ahensya, at sektor na may mga aktibidad na direktang may kontribusyon sa programang 4Ps, sa pangunguna ng DSWD at MSWDO.

