Labing-tatlong (13) internal quality auditors ng LGU-Bayambang ang pumunta noong Abril 17, 2024, Miyerkules, sa lungsod ng Alaminos upang tumulong sa paghahanda nito para sa kanilang surveillance audit na gaganapin sa Abril 22, 2024.
Matatandaang ang mga auditor ng LGU-Alaminos ay pumunta rin dito noong nakaraang taon upang tumulong sa paghahanda sa certification audit ng LGU-Bayambang noong nakaraang Hulyo.
Ang 13 na mga auditor ay bumista sa 35 na tanggapan, kasama ang top management kung saan tiningnan ng mga auditor ang kahandaan ng Alaminos City at ang kaalaman nila sa mga bagong batas at regulasyon na kailanganang sinusunod ng kanilang siyudad. Kinilala ng mga auditor ng LGU-Bayambang ang mga positibong accomplishment ng Alaminos LGU at tumulong din na makita ang mga bahagi na kailangang maayos bago ang surveillance audit.
Ang mock audit ay naganap sa pakikipagtulungan ng NEO AMCA Inc. na tumutulong sa parehong LGU sa pagpapatakbo ng kanilang Quality Management System.
Ang LGU-Bayambang ay dadaan din sa isang surveillance audit na naka-schedule sa July 25, 2024.
Panalangin namin ang inyong tagumpay, LGU-Alaminos! (RB/ICTO)