LGU-Bayambang, Top 3 sa Innovation sa Region I at Top 10 sa Resiliency Nationwide

Ang LGU-Bayambang ay muling nagwagi sa ginanap na regional awarding para sa Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry nitong Nobyembre 23, sa La Union Convention Center, Brgy. Sevilla, City of San Fernando, La Union.

Ang karangalan ay tinanggap ni OIC-Municipal Planning and Development Officer, Ma-lene S. Torio, kasama si Budget Deputy Officer Princess Sabangan, para sa pagiging Top 3 ng LGU-Bayambang sa Innovation sa Region I at Top 10 naman sa Resiliency nationwide sa mga 1st to 2nd class municipality.

Ang CMCI ay isang annual ranking ng National Competitiveness Council sa tulong ng Regional Competitiveness Committee at United States Agency for International Development. ( by Sharlene Joy G. Gonzales/RSO)