Dalawang parangal ang naiuwi ng ating bayan mula sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region 1 sa ginanap na REGATA Year-End Assessment Conference and Recognition of Top Performing LGUs, sa Hotel Van Gogh, Ilocos Sur noong Nobyembre 24–28, 2025.
1. 3rd Place – 1st Class Municipalities, Region 1
Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms, FY 2024
2. Unqualified COA Opinion – FY 2024
Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng matatag na pamahalaang pinansyal ng Bayambang at ng maayos na pagpapatupad ng mga proseso sa pangangalap at wastong paggamit ng pondo ng bayan.
Mahusay nitong ipinapakita ang financial strength at governance excellence ng LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao — isang lideratong nakatuon sa disiplina, tapat na serbisyo, at responsableng pamamahala sa kaban ng yaman ng Bayambang.
Tinanggap ang mga parangal nina Acting Municipal Treasurer Charmaine Rose Bulalakaw at OIC Municipal Assessor, Atty. Bayani Brillante, Jr., kasama ang kanilang mga masisipag na kawani, na patuloy na pinagtitibay ang malinaw na adbokasiya para sa tapat, episyente, at makabagong paglilingkod-bayan.
Sa kabila ng hamon sa lokal na kita at operasyon, nananatiling malinaw ang ating direksyon: fiscal sustainability, transparency, at tuluy-tuloy na inobasyon upang higit pang mapabuti ang serbisyo para sa bawat Bayambangueño. (Myra Flor Ferrer/RSO; MTO)





