Nagkaroon ng pagpupulong sa Mayor’s Conference Room ngayong araw, April 11, 2024, patungkol sa Socialized Housing Project ng LGU sa tulong ng PAG-IBIG Fund.
Ayon sa pag-uusap na inorganisa ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad kasama ang iba’t ibang LGU heads, ang housing project na ito ay ang itinayong LGU Ville na matatagpuan sa Brgy. Bical Sur.
Ayon kay Municipal Accountant Flexner de Vera, ang first phase ng LGU Ville ay mayroong 59 houses na may 32.5 sqm. area ng bahay at may kabuuang 60 sqm. na lote kada unit. Ang isang unit naman ay pumapatak sa halagang P850,000 at dapat mabayaran buwan-buwan ng P5,233.60 sa loob ng maximum na 30 taon, subalit mayroong silang amortization schedule kung ilang years gusto bayaran ng mag-aavail.
Natalakay din sa pulong na ang LGU-Bayambang ang may kakayahang kumuha at mag-screen ng qualified beneficiaries, at magkakaroon naman ng briefing para sa 59 borrowers.
Nabanggit din ni Atty. Vidad na kailangang iprioritize ang mga low status na empleyado ng LGU.
Para sa mga empleyadong may buwanang sahod na mas mababa sa P12,000, maaari silang mag-apply para sa Affordable Housing Loan program ng PAG-IBIG, kung saan ang interest rate ay 3% lamang kumpara sa standard na 6.25%.
Mayroong nang design ng bahay at plano ng development project, at magkakaroon ng ocular inspection ang LGU kasama ang contractor sa susunod na linggo.
Magkakaroon naman ng policy na ang empleyado na mag-aavail sa proyekto ay eligible o may kakayahang magbayad. Ang titulo ay ibibigay pagkatapos mabayaran ang house-and-lot, at ito ay makukuha sa PAG-IBIG office.
(Angelica Arquinez/RSO; JMB)