Ang LGU-Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Nina Jose-Quiambao, ay itinanghal ng DSWD Region I bilang regional winner sa DSWD Region I Search for Model LGU Implementing 4Ps para sa taong 2025.
Ito ay bilang pagkilala sa “mahusay na pamumuno, malikhaing istratehiya, at makabuluhang kontribusyon sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga 4Ps household beneficiaries.”
Sa pagkakapanalong ito, ang LGU-Bayambang ang magiging opisyal na entry ng buong Rehiyon Uno sa 4Ps Division ng “Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan” (PaNata Ko sa Bayan) Awards for CY 2025. (RSO; Andrew Casipit)

